Tuesday, November 3, 2009

BAKIT NGA BA?


Life is so unfair-
Sabi nga nila.
Gaya nga nila.
Sang-ayon ako sa kanila.

Bakit nga ba? Alam mo ba?
Hindi ba katakataka.
O, di kaya ngangamba.
Kagaya ko rin ba kita...

Nagtatanong ka rin ba.
Ba't may pag-iiba-iba.
Buhay ng tao ganun ba?
Bakit ba! may alam ka ba?

Maari bang malaman ko na.
Kung ano ang pinag-iiba.
Mga nilalaman nang sa iba.
Kagaya ko ring nagtataka.

Ano nga ba? Labis akong nagtataka.
Ang puso kong laging kumakaba-kaba.
Sa bagay na talagang kataka-taka.
Gustong kong matuklasan ang pagkakaiba.

Pilitin ko man pero di ko magawa.
Bakit nga ba? Talagang nakakaawa
Mga bagay na Diyos lamang ang may gawa.
Kapangyarihang niyang puno ng paghanga.

1 comment:

  1. Tita, dapat pumasok ka sa abscbn reality show. May talent ka pala sa compose ng kanta. May future ka! Work hard for it and Good luck!

    ReplyDelete