Thursday, November 5, 2009

TITA GANDA

Tita ganda ang tawag ko sa kanya.
Palaging nakatawa't, palaging masaya.
Kay gandang pagmasdan parang walang poblema.
O, kay saya pagka-iyo syang makasama.

Si Tita Ganda ay talagang kakaiba.
Sa lahat ng taong aking na nakilala.
Ako'y nagtataka at namangha sa kanya.
Katangiang taglay niya na mayroon siya.

Maraming taong nagmamahal sa kanya.
Di mo lubos akalaing na ganyan siya.
Simpleng tao at karaniwan sa iba.
Ganyan si Tita Ganda, napakaganda.

No comments:

Post a Comment